Isa pang mahalagang tauhan ay ang kapatid ni Auggie na si Via, na kung saan siya ay lumikha ng isang relasyon kasama ng isang lalaking may ibang lahi sa kanya. Ito ay isa sa mga ilang relasyon na pambihira sa realidiad, dahil hindi karaniwan ang relasyong nangingibang lahi, lalo na ang isang maputi sa maitim. Pero, sa kasalukuyang panahon, naging tanggap na tanggap na ang relasyong ito, hindi katulad ng panahon noon. Sa katunayan, tinatawag ang relasyon ito na “interracial couple” dahil nga may dalawang kasosyo na may natatanging lahi na nasasangkot dito.
Nakatutuwa ding aralin ang tauhan ni Mr. Tushman, ang pinuno ng eskwelahan, sapagkat siya ang nagpakita kung ano ang makabagong karakter ng educator ng panahon na yun. Isa siyang educator na may malawak na pag-iisip, naniniwala sa “inclusiveness” at may karisma na mabait at malapit sa mga batang magaaral. Hindi ganitong imahe ang mga principal or headmaster ng makalumang panahon sapagkat malakas ang pagpapahalaga noon sa mahigpit na pakikitungo at disiplina sa kabataan.


No comments:
Post a Comment