Marami na akong napanood na pelikula na nasa grupo o klasipikasyon na “Comedy-Drama”. Ang maganda sa panonood ng comedy drama, maraming seryosong mensahe na na-ihahatid kahit na magaan at masaya ang pelikula sa madaming bahagi nito. Kailan lamang ay napanood ko ang pelikulang WONDER na talagang nagpaiyak at nagpatawa sa akin. Pero higit sa mga nararamdaman habang nanunuod, mas magandang pagusapan na ang pelikulang WONDER ay puno din sa mga detalye na nagpapakita kung ano ang mundo, paniniwala, pangyayari at popular na pagiisip noong panahon na nangyari ang kwento noong 2012. Tulad ng sinabi ni Resil Morales sa kanyang akda na “The History in the Text”, hindi kailangan na ang pelikula ang tungkol sa isang grandiosong karanasan lamang para maging historical, kundi ang buong pelikula ay isang paglalarawan ng spesipikong panahon na makikita sa mga elemento ng istorya tulad ng tauhan, tagpuan at musika.
Ang Wonder ay tungkol sa batang si Auggie na may sakit na kakaiba at hindi pangkaraniwan na tinatawag na “mandibulofacial dysostosis” o “ghost face” Inalabas ang pelikula noong ika-13 araw ng Pebrero, 2017 ngunit batay sa isang libro na isinulat ni R.J. Palacio noong 2012. Ginawa nina David Hoberman at Todd Lieberman and pelikula batay sa aklat. Sa pangalan pa lang na “ghost face”, siguradong alam na kakaiba at medyo nakakatakot ang mukha ni Auggie. Para sa isang bata na sampung taong gulang, ang pinakamalungkot na karanasan ay ang matakot ang iyong mga kaibigan sa mukha o hitsurang parang “ghost” dahil sa kanyang "facial deformity" o "crainial disfigurement".
Narito ang isang maikling treyler ng pekilulang "Wonder".