Friday, September 21, 2018

"WONDER"

Marami na akong napanood na pelikula na nasa grupo o klasipikasyon na  “Comedy-Drama”. Ang maganda sa panonood ng comedy drama, maraming seryosong mensahe na na-ihahatid kahit na magaan at masaya ang pelikula sa madaming bahagi nito. Kailan lamang ay napanood ko ang pelikulang WONDER na talagang nagpaiyak at nagpatawa sa akin. Pero higit sa mga nararamdaman habang nanunuod, mas magandang pagusapan na ang pelikulang WONDER ay puno din sa mga detalye na nagpapakita kung ano ang mundo, paniniwala, pangyayari at popular na pagiisip noong panahon na nangyari ang kwento noong 2012. Tulad ng sinabi ni Resil Morales sa kanyang akda na “The History in the Text”, hindi kailangan na  ang pelikula ang tungkol sa isang grandiosong karanasan lamang para maging historical, kundi ang buong pelikula ay isang paglalarawan ng spesipikong panahon na makikita sa mga elemento ng istorya tulad ng tauhan, tagpuan at musika.





Ang Wonder ay tungkol sa batang si Auggie na may sakit na kakaiba at hindi pangkaraniwan na tinatawag na “mandibulofacial dysostosis” o “ghost face”  Inalabas ang pelikula noong ika-13 araw ng Pebrero, 2017 ngunit batay sa isang libro na isinulat ni R.J. Palacio noong 2012. Ginawa nina David Hoberman at Todd Lieberman and pelikula batay sa aklat.  Sa pangalan pa lang na “ghost face”, siguradong alam na kakaiba at medyo nakakatakot ang mukha ni Auggie. Para sa isang bata na sampung taong gulang, ang pinakamalungkot na karanasan ay ang matakot ang iyong mga kaibigan sa mukha o hitsurang parang “ghost” dahil sa kanyang "facial deformity" o "crainial disfigurement".


Narito ang isang maikling treyler ng pekilulang "Wonder".



TAUHAN

Ang mga tauhan sa “Wonder” ay mga mabuting halimbawa ng mga tao noong  kasalukuyang mundo ng 2012. Kahit na si Auggie ang pangunahing tauhan sa pelikula, magandang pagusapan ang dalawa pang karakter na nasa pelikula na nagpapatunay na ito ay naganap noong dekada ng 2012.  Una, ang nanay ni Auggie na si Isabela Pullman, isang nanay sa makabagong panahon na may kakayanan na mag “homeschool” ng anak at magpatuloy ng kurso ng PhD. Isa syang modernong nanay na may puso at debosyon sa anak na si Auggie.  Makikita din na talagang circa 2000 ang pelikula dahil sa paniniwala ni Isabela na ang anak ay kailangang ilabas sa mundo kahit may disabilidad. Hindi eto ang paniniwala maraming taon ang nakakaraan kung saan maraming magulang at mga ina na mas pipiliin na itago ang anak sa bahay kaysa mapahiya sa lipunan.




Isa pang mahalagang tauhan ay ang kapatid ni Auggie na si Via, na kung saan siya ay lumikha ng isang relasyon kasama ng isang lalaking may ibang lahi sa kanya. Ito ay isa sa mga ilang relasyon na pambihira sa realidiad, dahil hindi karaniwan ang relasyong nangingibang lahi, lalo na ang isang maputi sa maitim. Pero, sa  kasalukuyang panahon, naging tanggap na tanggap na ang relasyong ito, hindi katulad ng panahon noon. Sa katunayan, tinatawag ang relasyon ito na “interracial couple” dahil nga may dalawang kasosyo na may natatanging lahi na nasasangkot dito.





Nakatutuwa ding aralin ang tauhan ni Mr. Tushman, ang pinuno ng eskwelahan, sapagkat siya ang nagpakita kung ano ang makabagong karakter ng educator ng panahon na yun.  Isa siyang educator na may malawak na pag-iisip, naniniwala sa “inclusiveness” at may karisma na mabait at malapit sa mga batang magaaral.  Hindi ganitong imahe ang mga principal or headmaster ng makalumang panahon sapagkat malakas ang pagpapahalaga noon sa mahigpit na pakikitungo at disiplina sa kabataan.

MUSIKA

MUSIKA


May soundtrack ang pelikula at ito din ay mahalaga sa kahalagahan ng pelikula noong taong 2012. Ito ay binubuo ng mga awit na ang paksa ay tungkol sa mga sitwasyon sa pelikula na nalalapit sa kasalukuyang nangyayari sa tunay na sitwasyon sa buhay, tulad ng kung paano ang dalawang bata ay nagiging matalik na kaibigan at kung paano ang kanilang pagkakaibigan ay nananatiling malakas sa pamamagitan ng kanilang pang-araw-araw na ugnayan sa kanilang paaralan.



Makikita mo ito sa mga lirikong ito na galing sa awit na “We’re Going to be Friends” ng White Stripes:

Fall is here, hear the yell
Back to school, ring the bell
Brand new shoes, walking blues
Climb the fence, books and pens
I can tell that we are gonna be friends
I can tell that we are gonna be friends”

“Here we are, no one else
We walked to school all by ourselves
There's dirt on our uniforms
From chasing all the ants and worms
We clean up and now it's time to learn
We clean up and now it's time to learn”

“Numbers, letters, learn to spell
Nouns, and books, and show and tell
Playtime we will throw the ball
Back to class, through the hall
Teacher marks our height against the wall
Teacher marks our height against the wall”

“Tonight I'll dream while I'm in bed
When silly thoughts go through my head
About the bugs and alphabet
And when I wake tomorrow I'll bet
That you and I will walk together again
I can tell that we are gonna be friends
Yes I can tell that we are gonna be friends”



Ang mga lirikong ito ay malinaw na naglalarawan ng isang di pankaraniwang pagkakaibigan sa pagitan ng dalawang batang bata na nakakatugon sa bawat isang pangangailangan  sa paaralan. Ipinapakita nito kung ano ang nangyayari kapag nasa paaralan sila at ang mga bagay na ginagawa nila doon. At malinaw naman na ito ang pangkaraniwang nangyayari sa mga paaralan ngayon, ang mga bata ay nakikipagkaibigan sa bawa’t isa, at gumagawa ng mga simpleng bagay na magkasama. Ito ang kagandahan ng pagkakaibigan. .

Isa pang mahalagang awit ang “Brand New Eyes” ni Bea Miller, na kung saan ito’y ay naglalarawan naman tungkol  paano ang isang partikular na bagay o pangyayari ay makikita ng kanyang sarili, na may panibagong perspektibo. Sabi sa mga liriko:


“When I'm looking at myself
I see a thousand perspectives of me
Everyone is letting me show
A side of myself I can't see”

“I'm wide awake now, I'm free of the doubt
Don't wanna look down
And if I fall out, I lay on the ground
And look to the clouds”

“It's like I got brand new eyes, and I can finally see
What has always been right there in front of me
And with these brand new eyes I'll take in everything
And I will finally see me”


Dahil sa maraming mga manunukso at iba pang mga malupit na mga tao sa paligid ni Auggie sa modernong mundo, ang kanta na ito na ginawa ng Miller ay may kaugnayan sapagkat sinasabi nito na ang mga tao ngayon ay hindi dapat tumutok sa kung ano ang sinasabi ng iba.  Mas mabuti na magkaroon makabagong pananaw upang mapagtanto na ang tunay na mensahe ng buhay.

TAGPUAN

Nasa pagaaral na ang homeschooling kahit na ito ay nagsimula noong dekada sitenta (1970s) ay talagang naging laganap noong 2000, at naging stabilisado noong 2010-2012 (https://www.responsiblehomeschooling.org/homeschooling-101/a-brief-history-of-homeschooling/). Isa si Auggie sa mga batang sumailalim sa homeschooling sa kanyang unang taon sa pag-aaral hanggang sa ikaapat na baitang.  Sa panahong ito, ang homeschooling ay isang napakaepisyenteng estratehiya para turuan ang mga bata kahit na may kapansanan man o wala  dahil sa maraming dahilan, tulad ng pansariling pag-aral, pag-iwas sa mga mang-aapi, at iba pa.






Ang systema ng edukasyon ay isa ding pahiwatig na ang pelikula ay naganap noong 2012 or malapit dito. Mapapansin sa pelikula ang modernong paaralan ng BEECHER SCHOOL kung saan eskwelahan ay bago at moderno lalo na ang mga laboratorio ng siyensiya at ang mga guro ay may bukas na isip, ang mga gamit at gusali at facilities sa pisika. Pero higit sa lahat, ang isa pang katunayan ng progresibong achievement dahil sa tapang at pagsusumikap, na naka apekto ng positibo sa mga pamamalakad sa edukasyon ay ang pagbibigay ng parangal kay Auggie ng highest taong nakasama nya sa paaralan. Isa itong demonstrasyon ng makabagong pagiisip at paniniwala sa edukasyon kung saan ang highest awards ay hindi nakabase sa grado o marka lamang, kung hindi ang totalidad ng karakter at indibidwaledad ng bata.



Noong panahon ng 2012, laganap na din ang mainstreaming sa mga paaralan sa amerika sapagkat ayon sa pagaaral ng dalawang tao sa Boston College, mahigit na sa 57 prosyento ng mga batang magaaral na may disabilidad ang naka mainstream o nakahalo sa mga batang walang kapansanan. https://files.eric.ed.gov/fulltext/EJ1055208.pdf

KONKLUSYON



Pagkatapos kong suriin ang Wonder sa konteksto ng sulatin ni Resil Mojares, naging mas malinaw sa akin ang tatlong bagay. Una, mayaman ang bawa’t pelikula sa kasaysayan kung matalas ang mata at mahusay ang pandinig sa mga detalye na naglalarawan ng panahon nito. Pangalawa, ang bawa’t pelikula o panitikan ay isang mabuting paraan para mapagusapan ang mga isyu ng panahon. Ito ay epektibo sa pagsasabi ng mensahe na mahalaga sa lipunan. At pangatlo, hindi mawawala ang mga temang hindi kumukupas sa lahat ng panahon. Pagmamahal ng ina, kabutihan ng pamilya, pakikipagkaibigan, mabuting puso, mahabagin at maawaing damdamin. Ang mga ito ay unibersal at walang pinipiling panahon.

Tuloy tuloy pa din akong manonood ng comedy drama at maiiyak at matatawa. Ngunit bukod dito ay tinitingnan ko din ng mabuti ang mga detalye ng mga elemento para mas maganda ang karanasan ng aking panonood.